Sunday, 27 April 2008
Kahapon...
|

2:21:00 pm |
... ng hapon.
Toni: Happy Birthday! *taps him at the back*
Adam: ... *speechless*
Nagtampo sakin?

Eh nakakasama naman kasi talaga ng loob na mawala ka ng dalawang linggo na ang akala nila nasa London ka. Tapos bigla akong susulpot malalaman na biro lang pala yung lahat na yun.

Pasensya na po sa mga hindi natuwa. Happy April Fool's na lang ulit.
Nagpunta kami sa Rizal kahapon ng gabi. Fiesta kasi dun tapos may pa-gig ung lolo ni Nino kaya kami nandoon. Sayang nga walang pictures kasi nga wala na kaming camera phone ni Rhoann. Pero ok lang yun, sobrang nakakaenjoy naman eh kasi madaming pagkain. Oo, pagkain. Mula sa bahay ng lolo nila Nino hanggang sa peryaan nung nagsisimula na yung gig/program o kung ano man yun may pagkain. Matapos ang ilang oras nag ingay, sayawan,
*talented ang mga taga-rizal ah* at mahahabang speeches ng mga kinauukulan sa lugar na yun. Natapos din ang gabi, ay hindi umaga na pala, at ayan magbbyahe na kami pabalik ng Cabanatuan. 3am sa Jayplay. Pagbaba ng sasakyan wala pa ding umuwi. Lahat kami nandun pa pinapahinga ang masasakit naming likod at pwet.

Ay! Eto pa pala! Balitang puso.

Medyo narealize yata ni Inang Kalikasan na hindi ko na pinapansin ang lovelife ko at nagcoconcentrate ako sa mga bagay na nakakapag pasaya sakin.
*eh hindi naman necessary kasi ang lovelife para mabuhay ang isang tao noh?* So yun kagabi, mula ulit sa isang sobrang kakulitan ginawan ng paraan ni Inang Kalikasan na pakiligin akong muli. Napagtripan namin magsayaw ni Gian.
*note: parting time yung song* 
At bumanat pa siya ng '
dapat sweet'. Saan ka pa? Ako naman, siyempre nahumaling, ANG GWAPO KAYA NYA!

Hindi naman siguro masama na pasayin ko yung puso ko ng kahit isang gabi lang.
//EDIT
Makahanap nga ng picture ni Gian. Ilalagay ko sa mga susunod kong post para malaman nyo kung gano kahumahumaling. Hahahaha.
Post a Comment
<< Home