<body>
Sunday, 20 July 2008

Ikaw | 4:56:00 pm |



Tama. Perpekto. Masaya. Ang sarap sa pakiramdam. Pero... Ayoko. Hindi Pwede.

Tamang tama ang mga salitang iyon sa pagtukoy sa nararamdaman ko para sa iyo. Maraming salamat, at mula nung araw na pinasok na mo ang buhay ko. Ngayon ko lang ulit ito naramdaman. Totoo, masaya ako.

Bawat araw na magkausap tayo. Bawat kwento na sinasabi mo. Bawat sandali na na nakatingin ako sayo. Hindi ko mapigilan na mapangiti. At bawat minuto na nasa tabi mo ko, parang iyon na yung pinaka perpektong sandali ng buhay ko. Alam ko, kahibangan, pero maraming salamat.

21-06-2008 nagulat ako sa isang text message na narecieve ko. Hindi ko naman akalain na bigla ka na lang magttxt. At kahit dumadating na sa puntong papaputol na ang usapan, ito ay humahaba at humahaba pa rin. Hindi man ako komportable nung gabi na yun, pero natuwa ako.

23-06-2008 napag-usapan nating pumunta doon sa bahay ng isa kong kaklase na anak ng iyong pininsan. 'Maraming salamat Kim, isa ka sa mga naging dahilan.' Unang gabi na nagkasama talaga tayong dalawa, nagkwentuhan, naglabasan ng problema, at nagkagaanan ng loob. At maraming salamat sa pag-aalala mo sakin nung pauwi tayo, iningatan mo ako nung gabi na yun.

27-06-2008 magdamag tayong magkasama sa Munoz. Natutuwa ako kung pano mo ako inalagaan sa paligid natin. Hindi man iyon malaking bagay, pero natuwa ako sa mga sinabi mo. At nung pauwi tayo, alam mong pagod ako at inalalayan mo ako sa aking pagtulog.

05-06-2008 sa hindi sinasadyang pagkakataon, ikaw ang naghatid sa akin sa bahay. Salamat ulit dun, nakakahiya nga sayo, dahil hindi naman talaga dapat ikaw mapapasubo sa ganung sitwasyon. Pero hindi mo ako pinabayaan. Salamat ah.

19-07-2008 dapat tayo ang magkasama. pero nauna ako sayo at nakita ko mga kaibigan ko. Dahil din sa hindi inaasahang pagkakataon, natagalan ka sa pagpunta sa kinaroroonan ko. Pero masaya pa din ako, kasi nilambing mo ko. Niyakap mo ko at humingi ng pasensya sa maliit na pagkakamali na iyon. Isang buong gabi na masaya ako. Kahit hindi tayo magkasama. =)

Ilan lang yan sa mga pagkakataon na nagkakasama tayo. Unti unti man na mahulog ang loob ko sayo, ayoko. Kilala na kita noon pa. At dahil sa kasalukuyan nyong paghihiwalay ng nakaraan mo. Kahit ulit ulitin mo pang 'moved-on' ka na, alam kong hindi ka pa din handa para sa panibago. At ako rin, ayoko pa, masaya ako sa kalagayan ko.

Isa pa, magkaibigan lang naman talaga tayo. Pero... Maraming Salamat ah.





0 Comments:



Post a Comment
<< Home