Sunday, 27 April 2008
Kahapon...
|

2:21:00 pm |
... ng hapon.
Toni: Happy Birthday! *taps him at the back*
Adam: ... *speechless*
Nagtampo sakin?

Eh nakakasama naman kasi talaga ng loob na mawala ka ng dalawang linggo na ang akala nila nasa London ka. Tapos bigla akong susulpot malalaman na biro lang pala yung lahat na yun.

Pasensya na po sa mga hindi natuwa. Happy April Fool's na lang ulit.
Nagpunta kami sa Rizal kahapon ng gabi. Fiesta kasi dun tapos may pa-gig ung lolo ni Nino kaya kami nandoon. Sayang nga walang pictures kasi nga wala na kaming camera phone ni Rhoann. Pero ok lang yun, sobrang nakakaenjoy naman eh kasi madaming pagkain. Oo, pagkain. Mula sa bahay ng lolo nila Nino hanggang sa peryaan nung nagsisimula na yung gig/program o kung ano man yun may pagkain. Matapos ang ilang oras nag ingay, sayawan,
*talented ang mga taga-rizal ah* at mahahabang speeches ng mga kinauukulan sa lugar na yun. Natapos din ang gabi, ay hindi umaga na pala, at ayan magbbyahe na kami pabalik ng Cabanatuan. 3am sa Jayplay. Pagbaba ng sasakyan wala pa ding umuwi. Lahat kami nandun pa pinapahinga ang masasakit naming likod at pwet.

Ay! Eto pa pala! Balitang puso.

Medyo narealize yata ni Inang Kalikasan na hindi ko na pinapansin ang lovelife ko at nagcoconcentrate ako sa mga bagay na nakakapag pasaya sakin.
*eh hindi naman necessary kasi ang lovelife para mabuhay ang isang tao noh?* So yun kagabi, mula ulit sa isang sobrang kakulitan ginawan ng paraan ni Inang Kalikasan na pakiligin akong muli. Napagtripan namin magsayaw ni Gian.
*note: parting time yung song* 
At bumanat pa siya ng '
dapat sweet'. Saan ka pa? Ako naman, siyempre nahumaling, ANG GWAPO KAYA NYA!

Hindi naman siguro masama na pasayin ko yung puso ko ng kahit isang gabi lang.
//EDIT
Makahanap nga ng picture ni Gian. Ilalagay ko sa mga susunod kong post para malaman nyo kung gano kahumahumaling. Hahahaha.
Saturday, 26 April 2008
Happy Birthday Adam
|

12:31:00 pm |
Adam para sayo, isang malaking kabaduyan. Wala kasi akong magawa kaninang umaga eh.

Ayan! Happy Birthday ulit. Kita na lang tayo mamaya.
Thursday, 17 April 2008
Ang Lepestik *bow*
|

8:27:00 pm |
Isang nakakainip na hapon naisipan ng tatlong magkakaibigan na sina Rhoan, Toni at Akiko na tumambay. At sa kadahilanang umuulan at walang ibang mapuntahan naglagi na lamang sila sa pasilyo ng tahanan nila Toni.
Tahimik ang paligid at walang ibang marinig kundi ang pagbagsak ng tubig ulan sa lupa nang biglang maisipan ni Toni na kumuha ng baraha. Sa una ay naglalaro sila ni Akiko ng pusoy dos ngunit dahil sa agad silang nainip, kanila na itong itinigil. Para maisali si Rhoan sa kanilang mumunting kasiyahan, naisipan nilang palitan ang laro ng unggoy-ungguyan. Ngunit dahil masyadong mabagal ang takbo ng laro muli nila itong itinigil.
Hanggang sa naisipan ni Toni na maglaro na lang ng
'lucky 9' at magpahiran ng lepestik. Matapos ang isang round nahirapan ang karamihan sa pagbibilang ng kanilang baraha kaya sila ay kumuha pa ng
'calculator'. At makalipas ang ilang sandali, napuno na ang kanilang mukha ng lepestik. Maliban kay Akiko, na sobrang nagnanais matalo upang malagyan ng pangalan ni Chemette ang kanyang noo. At dahil sa kabiguang ito sinulatan na lamang nya ang kanyang braso.
Pagkatapos ng nakapapagod na laro, naisipan nilang manginain. Sila ay nagtungo sa tindahan sa kanto at bumili ng Sagana at Itnok. Kanilang niluto ang Itnok habang pinapapak ang Kornik. At dahil lubusan yatang walang kasiyahan ang magkakaibigan na ito ay nagtimpla pa sila ng kape. Ay mali,
'KAAAPEEE' pala.
Matapos nun, ay nasiyahan na sila.
Narito ang ilang mga larawan:
Ang mga musmos na may lepestik sa mukha.
Monday, 14 April 2008
All For Love
|

12:30:00 am |
Struggles? This morning when I was asked if I am sure that I have accepted Christ in my life, I didn't know what to say. I was completely blank. I know that I have, I just don't want to say something especially at this state where I know that I wouldn't be able to fully commit myself to Him again. Then I came through
this blog, tears slowly rolled down my eyes as I heard the song *below*. It was heart melting, considering the fact that I decided to turn away from serving Him and practically being lost among the midst of nowhere. Then it came to my senses, it was a message from God, telling me that I am lost and even though that I broke His heart, He will forgive me and take me back if only I will ask.
ALL FOR LOVE
All for love a Father gave
For only love could make a way
All for love the heavens cry
For love was crucified
Oh how many times have I broken Your heart
Still You forgive if only I ask
And how many times have You heard me pray
Draw near to me
Everything I need is You
My beginning my forever
Everything I need is You
Is You!
Let me sing all for love
I will join the angel song
Ever holy is the Lord
King of glory King of all
All for love Savior prayed
Abba Father have your way
Though they dont know what they do
Let the cross draw man to You!
Wednesday, 9 April 2008
Hahaha. Ayan nanaman ako sa titles. Wala na akong maisip na sensible ones eh. Pero ok lang yun. Just like to inform ya'll that I've linked my blogger account to
tonii.co.nr para lang maavoid yung confusion and mas maging maiksi yung url. Papalitan ko na din yung header soon pag sinipag ako.
Enough said. We've had too much. My friends and I have been to so many issues this past few months. Hindi ko na nga alam kung ano nangyayari eh. Ayoko na din mainvolve sa mga bagay na yun. As much as I wanted na wag na lang pag usapan, iwasan yung issue and itigil na yung sobrang kahibangan. They still do their own thing then it messes up in the end. Hindi ko naman sila masisisi eh, may sarili silang isip and utak. May mga bagay na tama para sa kanila na para sakin wag na lang sana gawin. Yeah maybe iba din talaga perpectives ko sa kanila. Wala din naman ako magagawa if that's what they want to do. Sinasabi ko lang yung opinions ko which I think is a better thing to do.
Anyways, sana marealize nila na its worth listening and applying what you heard once in a while. Kasi nothing happens if you just push what you want to do. Baka mas lalo lang magkasakitan. It wont hurt to just settle for a while breathe deeply and think. Kasi like what I always hear, there is a right time for everything. May right time to say painful things na hindi sa heat of the moment magkakalabasan. It's all about right timing.
Hope you learned from this experience and avoid just suddenly confronting each other without thinking what you would do. Keep in mind that there are things better left unsaid and there are things that are better spoken about when you're infront of each other. And let other's opinion be they're own opinion, kasi it becomes a different thing kapag ibang tao na nagsabi.
It hurts me much to see you guys like this. I love you guys, I really do and hopefully soon we could patch things up.
Thursday, 3 April 2008
Old Videos
|

11:09:00 pm |
Ang vague naman ng mga title na ginagamit ko. Hahaha, hindi na yata gumagana ng maayos utak ko. Walang kasense-sense mga pinaggagawa ko. Pero naisipan ko pa din maglagay ng 2 post ngayon.

Kagabi kasi, ngbbrowse ako sa mga lumang files dito sa PC namin. Tapos nakita ko yung old pictures namin nila Potz, Carlo, Hyatt, Joy, Kevin & Kenneth then yung videos ng mga kalokohan namin sa Hunter Valley. Nakakatawa. I missed them tuloy.
Photoblog.
|

10:34:00 pm |
Whew! Finally an update. After days of procrastinating. So anyways, few weeks ago I've been to Dupinga (as seen on my last post) then Pangasinan. Here are some pictures.
And as it is seen, I'm once again too lazy to upload them one by one. Which is ironic because I spend too much time infront of the computer but then again too lazy to do much stuffs.
Anyways, Mummy is coming home tomorrow then we'll find out if I'll be leaving Philippines soon or what. So, to 'My Guys' out there who were fooled by our little prank about me leaving tomorrow.

I'm so sorry po! Happy April Fools! I know Rhoan and I are a day late in playing pranks, but its really touching to know how you reacted knowing that fact. Love Ya'll!