Thursday, 4 January 2007
Nakita ko siya
May kasama
Dala gamit nya
Nasaktan ako
Nakita nya ako
Ang sama ng tingin nya
Dumaan lang siya sa harap ko
Galit pa din, dahil nandun ako
Nasaktan ako
Hinabol ko siya
Sinubukan kausapin
Ang tigas niya
Ang sakit ng tingin nya
Ang sakit ng salita nya
Tinaboy nya lang uli ako
Gusto ko magalit
Pero hindi ko kaya
Gusto ko magwala
Pero wala akong karapatan
Ako yung may kasalanan
Mahal ko lang siya
Mahal na mahal
Pero nung gabing yun
Nakita ko siya
'MAY KASAMA'
Mukhang masaya
Bago nya ako nakita
Bago ako magmakaawa
Na baka meron pa.
Post a Comment
<< Home