Tuesday, 13 February 2007
May different stages daw on how to accept a loss. Sa`kin parang napagdaanan ko na lahat. Pero kahit isang hakbang hindi pa din ako nakakausad. 3 buwan na nakakalipas, pero eto pa din ako nakakulong, nagmumukmok, umiiyak at nasasaktan. Parang yung sugat imbis na gumaling lalong lumalalim.
(aba! rhyme pah) Inggit na inggit ako sa kanya, kasi sya nakakapgsaya ng walang iniisip. Pero ako, lalabas ako magpapakasaya kasama yung mga dati kong kaibigan, pero pagkatapos hahanapin ko sya. ayan nanaman, tutulo na ang mga luha.
Pagkatapos nun, mawawalan ako ng gana, ikukulong ko nanaman sarili ko sa loob ng bahay. At yun! Balik nanaman sa umpisa. Para akong tanga. Ay hindi, tanga na talaga. Hindi ko alam bakit hanggang ngayon, tatlong buwan na yung nakalipas, umaasa pa din ako na babalik sya, na isang araw, kakatok sya sa pintuan namin, nakangiti at sasabihin nya na magiging maayos na uli ang lahat.
Lahat na ng klase ng kasabihan na pwede kong marinig na narinig ko na. Para lang patatagin ako, para lang paniwalain ko sarili ko na meron pa. SINO NILOLOKO KO?! Sarili ko... Kasi bulag na bulag ako sa katotohanan. Pikit mata akong umaasa na babalik pa sya kahit siya na mismo ang nagtulak at nagtaboy sa akin.
Isa na lang ang hiling ko. Sabihin nya sakin kung bakit. Gusto ko malaman yung totoong dahilan bakit lahat lahat bigla na lang nagbago.
(Hay.. ayan ka nanaman Antonette, nagddrama ka nanaman. Ano ba dapat mong gawin, para tumigil ka na at bumangon ka na jan sa hukay mo.)