<body>
Monday, 5 March 2007

Alin ba ang tama? | 9:32:00 am |



May bagay na gumugulo sa isipan ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Kukunin bang muli kahit na ang bagay na ito ang sumira sa kalahati ng katauhan ko o mananatili na lamang ba ako kung nasaan ako ngayon?

Matagal ko ng gusto ito. Pinangarap ko ng ilang taon. Ngayon heto na sya sa harapan ko, kaylangan ko na lamang hawakan at gawing akin. Pero may mga bumabagabag sa aking isip.

Dapat ba akong magtiwala muli? Pagsisisihan ko ba kapag hindi? Masyado pa bang maaga? Tama ba? Ang daming tanong, ginugulo lamang ako.

"Hindi ko pinipigilan ang sarili kong gawin kung ano ang nararamdaman ko. Dahil ang pinagsisisihan natin hindi yung mga bagay na ginawa natin. Kung hindi yung mga bagay na hindi natin ginawa."

Hindi ko tuloy mapanindigan ang sarili ko ngayon. Nung sinabi ko yang mga bagay na yan kagabi, para bang siguradong sigurado ako sa sarili ko. Pero hindi pala. Dahil gustong-gusto ko ito. Alam ko na magiging masaya ako. Ngunit, natatakot ako na magtiwalang muli. At baka may masaktan lamang dahil isang desisyon na napaghandaan ko na ng matagal, isang desisyon na maaaring makakasakit lamang kapag kinuha ko ito.

Gusto kong kunin. Pero tama ba? Baka may masaktan lamang. Ano ang dapat kong gawin?





0 Comments:



Post a Comment
<< Home